Bilang pagdiriwang sa Buwan ng Wika, ang napiling tema ngayong taon ay Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino. Tuwing Agosto ang buong bansa ay nagdiriwing ng buwan ng wika upang maiparating sa bawat Filipino ang kahalagahan ng ating wika at ito idn ay nagsisilbing daan upang mas mahalin pa natin ang Wikang Filipino.
Ilocano, tagalog, bicolano't, cebuano iilan lang yan sa katutubong hiyas bunga ng makasaysayang mga pilipino na noon ay nakaranas ng dahas mula sa pananakop na atin ng nabaklas. Iba-iba man ang paraan natin ng pananalita at pagbigkas ng mga salita ay nananatili tayong iisa, pilipino sa puso at diwa.
Mula sa baybayin ay patuloy na nagbaybay ang sari-sari nating mga wika na siyang kinabibiliban ngayon ng mga banyaga. Kaya bilang pilipino, mag-aaral, at mamamayan ay dapat natin itong ipagmalaki, ipagmataas, dahil ang yaman at pagkakaisa ng Filipino ay higit pa sa pinakamaraming medalya na matatagpuan sa mundo.
Hindi malabong mangyari ang nagkakaisang bansang Pilipinas kung nagkakaisa tayo, ang bawat pilipino at kung ating yayakapin ang ating mga kinagisnang wika sa ating bansa. Tayong lahat ang magpalaganap sa bansang pilipinas, ang kahalagahan at kayamanan ng wikang katutubo na siyang bubuo sa isang bansang progreso, maunlad at isang Bansag Filipino.
Source:
Available at https://www.goodnewspilipinas.com/wp-content/uploads/2019/08/66228281_1206504286187334_5244172617652371456_n.png
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Dream Glow
❝ What is the you that you dreamed of? Who do you see in the mirror? I gotta say, go on your path, even if you live for a day do someth...
-
❝ What is the you that you dreamed of? Who do you see in the mirror? I gotta say, go on your path, even if you live for a day do someth...
-
Mhandy Castillo Bosque is 15 year-old who’s all about arts: photography, dance, fashion, soulful kpop music and a fan of BT...
-
National Risk Reduction Management (NDRRMC) leads the nationwide simultaneous earthquake drill supported by the Office of Civil Defense...
No comments:
Post a Comment